<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/3213266923580710050?origin\x3dhttp://chumochocnut.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
ourhopes&expectations
blackholes&revelations
Saturday, April 14, 2007
Kwento Mode

Tapos na ang FINAAAAAAAALS! Sa wakas, yun yun e! Pero ayoko pang mag-April 19. Dahil yown ang araw na malaman ko ang mga sablay kong grades. Haaay. Pero useless nang magworry ako ngayon. Tapos na e. Haaay ayoko na nga pag-usapan to. Haha parang may nagtanong e no? LOL

Magkukuwento ako. Nung Thursday, ANMATH1 finals ko. Tae, sobrang tense na tense ako nung araw na yon. Pano ba naman, 2 hours lang yung allotment para sa buong exam. Eh hello??! Puro computations at may curve sketching pa dun. So parang goodluck nalang samen at sana hindi kami kulangin sa oras. So pumasok ako ng mga 7:30. Pumunta na kami dun sa classroom. Tas maya-maya dumating na yung prof. Sabi niya, dala-dala daw niya yung results nung Quiz 3 namen. So yung mga kaklase ko parang atat na atat silang malaman yung score nila. Tas ako parang "WAAAAAAGG! Ayoko makita baka mawalan lang ako ng gana mag-finals!!" Pero hinde eh, pinamigay pa ren talaga. Sobrang ayoko talagang malaman yung score ko dahil nga ang hirap nung quiz na yon at madidistract lang ako habang nagffinals. Eh wala naman akong choice so kinuha ko na ren. Pagtingin ko.....AMP. NO WAY. May pag-asa pa pala akoooooooo! So medyo nainspire ako dahil tumaas yung chance ng pagpasa ko. Pero mahirap pa rin yung finals. HAHAHA LABO. :)

Okay isa pang kwento. It's Friday the 13th and it's my rest day! Hahaha! Ang habaaaaaaaaaa ng tulog ko. Yey! Paggising ko, tinext ko si Jay. Tinanong ko kung asan siya. Papunta na siya ng school para sa Case Study Defense nila sa NETCOMM. Tas kumain na ako ng lunch. Maya-maya nagtext ulit siya. 11:00 - 11:30 daw yung defense nila. Eh di yun, sabi ko goodluck. Tas nung mga 11:00 na nagtext ulit siya. Sa Monday na lang daw yung defense nila sabi nung prof. Kaya sabi ko uwi na siya. Sabi niya dadaan daw muna siya dito sa bahay, may iaabot lang siya. Tas sabi ko sige. Eh nagcocomputer ako nun. Maya-maya kumatok na siya sa kwarto ko. Akalain mong yung iaabot niya pala eh pagkalaki-laking doughnut! Hahaha naaliw ako, sinlaki ng plato. :D Alam niya daw kasi na mahilig ako sa doughnut eh kaya binili niya yun nung nakita niya. *Awwww* Natunaw ang puso ko katulad nung mga almonds sa ibabaw ng doughnut na dala niya. Hahahaha! :D Baduuuuuuuuuuuuy. LOL

Tapos yun, nagstay pa siya. Wala lang ang saya lang. Nanood ng TV. Kumain ng doughnut. Tinuruan ako maglaro ng DS. Naaliw sa DS. Mas naaliw kay Jay. Nanood ng Seinfeld. Nakatulog. Naglaro pa ulit ng DS. Hahaha. Ah basta, masaya ako. Masaya ako kasi magkasama kami. Jay, kung nababasa mo man to, may bumabagabag kasi talaga sakin e.. BAKIT MINSAN HINDI AKO PINAPANSIN NI LA SALLE? HAHAHAAAAAAA!!

Oy pero seryoso may effect sakin yun. Hehehe.. Anyway, umuwi siya ng bandang 5:30. Ang saya ng araw ko. Haha.

JEREMIAH LIKA NGA DITO ITATAGO NALANG KITA SA ILALIM NG KAMA KO PARA DI KA NA MAKAUWI! HAHAHA!



Tilt your head.

01/2007 | 02/2007 | 03/2007 | 04/2007 | 05/2007 | 06/2007 | 08/2007 | 09/2007 | 10/2007 | 11/2007 | 12/2007 | 01/2008 | 02/2008 | 03/2008 | 04/2008 | 05/2008 | 06/2008 | 07/2008 | 08/2008 | 09/2008 | 10/2008 |

Kudos ©


Powered by Blogger