I left home at 9:30am. Tapos puntang SMA para kumuha ng yearbook with Sisthurr Crae. Tapos dumating si Poxy para kumuha din ng yearbook. Pinagtripan at pinagtawanan namin yung ibang mga tao sa yearbook. Haha bastos. Tas umalis na si Poxy dala ang 3 yearbooks (HAHAHA) at kami naman ni Sisthurr ay nagcab papuntang Madocs para sunduin si Shobe Jacque.
Pagdating sa Madocs, tinour kami ni Shobe sa loob. Maraming nakitang former schoolmates. Tas pinuntahan din namin si Sap habang nagkaklase. Suplado. Nakakaloko pa yung ngiti. HAHA!
Tapos naglakad (yup!) kami papuntang MOA. Nastress ako dun. LOL! We ate lunch at Pupung & Friends. Tapos puro kwentuhan at tawanan lang na sobrang SABAW. Nakakamiss yun! Tapos kumain kami ng Quickly. Ay iniinom pala yon. Tapos more kwentuhans pa. Tapos tambay at camwhore sa Powerbooks. Tapos naghanap at bumili ng coloring book sa National. Haha ang labo. Pero enjoy sobraaaa!
Tapos sinundo na ako ni Jay at nagbabay na ako sa mga kapatid ko. Tambay muna kami ni Jay sa Powerbooks (nanaman LOL) habang tinitignan niya yung yearbook. Tapos bumili kami ng Popperoo (haha adik na ako sa popcorn amf) tapos umuwi na. Nagstay pa siya sa bahay. Naglaro ako ng Sudoku sa PSP niya at nagcamwhore kami hanggang sa malowbatt ang digicam ko. HAHA! Tapos umuwi na siya around 6. Ang sayaaaaaaaaaaa! :)
ETO PA. Nalaman ko nung pinuntahan ko siya sa Powerbooks na kanina pa pala siya sa MOA. As in KANINA PA. Nauna pa siya saken, para lang hintayin at ihatid ako pauwi. Nakakaloka diba? Ang usapan kasi namin kagabi eh uuwi muna siya tapos mga 4pm susunduin niya ako sa MOA. Tapos yun pala, after ng class niya, dumerecho na siya ng MOA tapos nagpalipas siya ng oras habang hinihintay niya akong magtext na tapos na kami magdate ng mga kapatid ko. Sobrang natouch ako. Nanuod pa siya ng movie mag-isa(!!!!!) para magpalipas ng oras. Tapos pag-uwi niya, nagpunta sila ng family niya sa Rockwell para manuod ng movie. And guess what, pinanuod nila yng pinanuod niya kanina. Sobrang naguilty ako. Natuwa ako na ginawa niya yun para saken, pero nakakaguilty kasi gumastos pa siya and all. I mean, ilang oras siyang mag-isa sa MOA eh hate na hate pa naman nya ang MOA kasi lagi siyang nawawala dun sa sobrang laki at ayaw niya yung lakad nang lakad. WAAAAAAAA HONEY, I'M SOOOOOO SORRY. SOBRANG THANK YOU SA PAG-AALAGA MO. I LOVE YOU SOBRA!
Eto conversation namin pagkauwi niya:
Jay: Bebi masakit ulo ko.. =c
Me: Awww. Bebi sorry. Kanina ka pa kasi nasa MOA eh. I'm sorry my baby..
Jay: Wag ka magsorry. I decided to go there nalang agad para ONE kasi tinatamad ako umuwi; TWO pag nagkaproblem tas tinawag mo ako, at least nasa vicinity lang ako. It was all out of love.
♥ ♥ ♥-------------------------------
Ang masasabi ko lang ay..
Sisthurr and Shobe: Thank you for today! I missed you both so so big! Nag-enjoy ako nang sobra at natutuwa ako na nakita ko na ulet kayo. :) Sabaw pa rin kayong kausap. HAHAHA! Atsi loves you both! *YAKAAAAAAP!*
Jay: Wala na. Wala na akong hihilingin pa.
AYABYUSHOMATS! ♥