<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/3213266923580710050?origin\x3dhttp://chumochocnut.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
ourhopes&expectations
blackholes&revelations
Saturday, March 10, 2007

Hindi pa pala tapos yun. Meron pa palang natitira. Kahit gaano ko ipilit na wala na at wala na akong pakialam, mali pala ako. Maling-mali. Hindi ko nga lang inaamin, kahit pa sa sarili ko. Bakit? Kasi duwag ako. Naduwag akong harapin yung mga bagay na yun dahil ayoko nang maramdaman yung mga naramdaman ko noon kapag bagay na yon ang pinag-uusapan. Pero ngayon, lalo ko lang nasiguro na hindi ko pa talaga natatanggap.

Dahil dito, gusto kong magpasalamat sa isang tao dahil siya ang naging daan para malaman ko kung ano ba talaga ang tumatakbo sa pilipit kong utak. Dahil sa kanya, natuklasan na may mga ganun pa palang bagay na nakatago sa damdamin ko. Dahil sa kanya, nalaman ko na kapag wala kang ginawa at binaon mo lamang sa limot ang isang masaklap na pangyayari, wala kang mapapala. Mali ang nagsabing kayang baguhin ng panahon ang mga bagay-bagay, gaano man ito kaganda o kasakit. Maling-mali. Kapag iniwan mo ang isang bagay na hindi maganda, pagbalik mo ganun pa rin yon. Walang pinagbago. Kaya kailangan ay harapin mo ito at gawan ng paraan upang hindi ka na muli maapektuhan pa. Lahat ng ito ay natutunan ko dahil sa taong iyon. Kaya sobrang salamat sa kanya.

Namamangha na lang ako sa sobrang laki ng epekto niya saken. Kahit yung mga bagay na hindi ko alam na meron pala sa loob ko ay natutuklasan niya at nailalabas niya. Ibang klase talaga. Maraming salamat. Mahal na mahal kita. <3



Tilt your head.

01/2007 | 02/2007 | 03/2007 | 04/2007 | 05/2007 | 06/2007 | 08/2007 | 09/2007 | 10/2007 | 11/2007 | 12/2007 | 01/2008 | 02/2008 | 03/2008 | 04/2008 | 05/2008 | 06/2008 | 07/2008 | 08/2008 | 09/2008 | 10/2008 |

Kudos ©


Powered by Blogger