<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/3213266923580710050?origin\x3dhttp://chumochocnut.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
ourhopes&expectations
blackholes&revelations
Friday, March 30, 2007
Summer magparamdam ka!

Hindi naman sa hindi ako naiinitan no. Actually ang sakit na nga sa ulo pag tanghali dahil sa sobrang init eh. Hindi ko lang maramdam ang summer dahil sa kabila ng kainitan, ang dami ko pang ginagawa! Nooooo! Gusto ko na magsummer at magbakasyon! Gusto ko ng pahinga. Gusto ko magliwaliw. Gusto ko magrelax. Gusto ko mamasyal kasama si Jay. Gusto ko makita mga kaibigan ko nung gradeschool. Gusto ko makita mga kaibigan ko nung highschool. Gusto ko magswimming. Gusto ko magTagaytay. Gusto ko kumain ng halo-halo. Gusto kong magphotoshop nang walang sawa. Gusto ko magbabad sa tv nang hindi nagwworry na mapupuyat or malelate kinabukasan. Ang dami kong gustong gawin. Obvious ba? (HAHA) Pero bago ko magawa ang lahat ng yan, kailangan ko muna tapusin tong mga to:

DASALGO Case Study 2
DASALGO Case Study 1&2 Defense
SPEECOM Impromptu Speech
SPEECOM Extemporaneous Speech Evaluation
SPEECOM Panel Discussion Evaluation
OBJECTP MP Submission
OBJECTP MP Defense
ANMATH1 Quiz 3
FILKOMU Finals
FORMDEV Finals
DASALGO Finals
OBJECTP Finals
ANMATH1 Finals


>________________<



Friday, March 23, 2007
Adobe break

I am soooo tired. I have not been getting the right amounts of sleep this week. Kasalanan ng Java to. Ay hinde. Kasalanan pala to ni Raffy. Oo, Raffy ikaw nga! Lintek nasstress talaga ako. Sana matapos na lahat ng paghihirap at pasakit (HAHA) ko. Napapagod na ko. Gusto ko ng pahinga. Gusto ko matulog nang matulog nang matulog nang matulog. O kaya naman dalhin niyo dito si Jay, at solb na ako. Namimiss ko na rin yung taong yun eh. Kahit lagi kami magkasama. Paano ba naman, magkasama nga kami pero puro ka-Java-han at ka-MP-han ang inaatupag ko. Buti nga nagttiyaga siyang hintayin ako kahit hanggang alas-ocho ng gabi para lang maihatid niya ako sa bahay eh. Kahit pa papagalitan siya, o sobrang gagabihin na siya okay lang sa kanya. Salamat sa pag-aalaga mo saken ha. Sana hindi ka magsawa. I heart you, lover boy! Hehehe.. <3

Ngayon, gumagawa ako ng sprites sa Adobe. Ang cute cute cute ng graphics namen. Ginawa yun ng cartoonist kong si Benny! Oha panis kayo! Hahaha.. Sorry, nababaliw lang. Sabi sa inyo I need a breaaaaaaak. LOL

Miss na kita Jaaaaaaay! Punta ka na sa tabi ko >___<



Monday, March 19, 2007

Okay, I don't know what to type here anymore because I already told her what I wanted to say when I texted her this morning. But since I love her so much, I'm still gonna make an entry exclusively for her (although I don't think she would be able to read this as this thing is still private. LOL)

I seriously learned a lot from this person. She witnessed my emotional breakdown a lot of times. She was there when I seriously don't know how to deal with my problems. She never left me. She made sure that I could always count on her. She's one of the main reasons why highschool became worthwhile. Oh can I just say that I love her?



Since it's her birthday today, all I wish for her is happiness. Lots and lots of happiness. Because she totally deserves it. She is a great person with a good heart and I know that she has lots of blessings still to come her way.

I love you so much! You are always in my prayers.
Happy birthday, Len!




Friday, March 16, 2007




Thank you for the woooaaahh-ful afternoon, Hon! Our distorted faces is just L O V E. I had fun. Let's do that again sometime. LOL. I looooove you!!




Saturday, March 10, 2007

Hindi pa pala tapos yun. Meron pa palang natitira. Kahit gaano ko ipilit na wala na at wala na akong pakialam, mali pala ako. Maling-mali. Hindi ko nga lang inaamin, kahit pa sa sarili ko. Bakit? Kasi duwag ako. Naduwag akong harapin yung mga bagay na yun dahil ayoko nang maramdaman yung mga naramdaman ko noon kapag bagay na yon ang pinag-uusapan. Pero ngayon, lalo ko lang nasiguro na hindi ko pa talaga natatanggap.

Dahil dito, gusto kong magpasalamat sa isang tao dahil siya ang naging daan para malaman ko kung ano ba talaga ang tumatakbo sa pilipit kong utak. Dahil sa kanya, natuklasan na may mga ganun pa palang bagay na nakatago sa damdamin ko. Dahil sa kanya, nalaman ko na kapag wala kang ginawa at binaon mo lamang sa limot ang isang masaklap na pangyayari, wala kang mapapala. Mali ang nagsabing kayang baguhin ng panahon ang mga bagay-bagay, gaano man ito kaganda o kasakit. Maling-mali. Kapag iniwan mo ang isang bagay na hindi maganda, pagbalik mo ganun pa rin yon. Walang pinagbago. Kaya kailangan ay harapin mo ito at gawan ng paraan upang hindi ka na muli maapektuhan pa. Lahat ng ito ay natutunan ko dahil sa taong iyon. Kaya sobrang salamat sa kanya.

Namamangha na lang ako sa sobrang laki ng epekto niya saken. Kahit yung mga bagay na hindi ko alam na meron pala sa loob ko ay natutuklasan niya at nailalabas niya. Ibang klase talaga. Maraming salamat. Mahal na mahal kita. <3



Monday, March 5, 2007
piggy bank

WHAT THE EEEEFFFF!! ANG GASTOS KO SOBRA. HINDI AKO NAG-EEXAGGERATE. ANG LAKAS KO MAGWALDAS NG PERA. HEEEELP! GUSTO KONG MAG-IPON. TURUAN NIYO AKONG MAGSAVE. AMF. PROMISE, SAVING WEEK KO NA BUKAS. PROMISE TALAGA. AS IN LIKE.. PROMISE!!! >_____<

P.S. Bakit ba kasi ang sarap ng pagkain? LOL



Tilt your head.

01/2007 | 02/2007 | 03/2007 | 04/2007 | 05/2007 | 06/2007 | 08/2007 | 09/2007 | 10/2007 | 11/2007 | 12/2007 | 01/2008 | 02/2008 | 03/2008 | 04/2008 | 05/2008 | 06/2008 | 07/2008 | 08/2008 | 09/2008 | 10/2008 |

Kudos ©


Powered by Blogger